Glaiza de Castro gives fun 'Enchanta' language tutorial
Matapos ilabas ang “Encantadia Enchanta” smartphone app nitong nakaraang buwan tungkol sa wikang gamit sa hit Kapuso fantasy series na “Encantadia,” personal namang itinuro ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro ang ilan sa mga salitang ginagamit nila sa programa.
Sa naturang serye, ginagampanan ni Glaiza ang karakter ng diwatang si Sang'gre Pirena, at kabilang siya sa mga bida na madalas magsambit ng mga salitang "Enchanta."
Maliban sa pagsasalin sa Tagalog, nagkaroon din ng nakatutuwang Enchanta-English translation ang aktres sa kaniyang online tutorial.
WATCH: Glaiza de Castro's 'Enchanta' tutorial by encantadia2016
Para sa mas marami pang salitang Enchanta, i-download ang smartphone app na “Encantadia Enchanta” sa iba't ibang app stores.
Click here for more of Encantadia exclusive videos:
-- FRJ, GMA News