ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

#SincerelyGabbi: Modern minimalist, theme ng debut ni Gabbi Garcia


Labis ang kasiyahan ng Kapuso star na si Gabbi Garcia sa kaniyang 18th birthday celebration nitong Martes ng gabi, na kabilang sa mga inaasahang bisita ay ang co-stars niya sa "Encantadia" at "Sunday Pinasaya." May special number din sila ang kaniyang ka-love team na si Ruru Madrid.

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras," sinabing modern minimalist, elegant at high fashion ang theme ng 18th birthday celebration ni Gabbi na ginanap sa isang kilalang hotel.

Black, white and silver na may touch of green ang color motiff na mismong si Gabbi raw ang pumili.

Ang ballroom, napapalamutian ng ribbons, fresh imported white flowers at mga orbs sa ceiling na tila mga confetti blast.

Ang event stylist na si Teddy Manuel ang naging punong abala sa pagde-decorate sa venue.

Bago pumasok sa venue, maglalakad muna sa red carpet ang mga bisita, at nire-quest daw ni Gabbi na magsuot ng black or white ang mga dadalo.

Very hands on daw si Gabbi sa preparasyon ng kanyang debut. At habang naghahanda sa kanyang special night, hindi raw maisawang makaramdam ng kaba ang debutante.

Kabilang sa mga bisita ang kanyang co-stars sa telefantasyang "Encantadia" at mga kasamahan sa noontime show na "Sunday Pinasaya."

Ang kanyang ka-love team na si Ruru at kaibigan at co-star sa "Encantadia" na si Mikee Quintos, may inihanda raw na special number para sa birthday girl

Birthday Wish

Sa panayam kay Gabbi, sinabi niya na sincere at intimate ang selebrasyon ng kaniyang kaarawan. Mapupuno rin umano ito ng kantahan na kabibilangan nina Christian Bautista at Aicelle Santos.

At dahil 18 na, inaasahang daw na mas magiging lady-like na siya sa pagkilos, at medyo graduate na sa tweetums role.

“In my life maybe kailangan mas maging lady-like na ako ngayon. I have to be more mature and also for my career naman, medyo graduate na ako sa tweetums role,” anang young actress.

Natatawang sinabi naman ni Gabbi na kailangan pa raw munang ipagpaalam sa kaniyang ama kung puwede na siyang magpaligaw.

Ang kaniya namang birthday wish, " “Good health of course it’s number one and I wish that my family will be happier and also my fans won’t leave me and maging loyal lang sila. Super happy na ako. It’s just simple; I can’t ask for more. Eerything is here na, I’m really blessed. Right now, I’m very thankful lang talaga for everything.”

-- FRJ, GMA news