ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Chloe Grace Moretz admits Pinay girl is her lookalike


Nakarating na sa Hollywood actress at model na si Chloe Grace Moretz ang tungkol sa Pinay na kamukha niya na nangangalang Edcell Ched.

Unang nag-viral ang naturang larawan ni Edcell na napag-alamang working student mula sa Malabon at nagtatrabaho sa isang fast food chain.

Hindi lang isa, kung hindi tatlong post sa Twitter ang ginawa ni Chloe na reaksyon niya patungkol sa kaniyang Pinay lookalike.

 

 

 

 

Ilan sa mga pinagbidahang pelikula ni Chloe ay ang "The Equalizer," kasama si Denzel Washington, "Kick-Ass" bilang si 'Hit Girl' at "Let Me In." -- FRJ, GMA News