Rufa Mae Quinto describes daughter's 4D sonogram: 'Matangos ang ilong, full lips'
Sabik na ang batikang komedyanteng si Rufa Mae Quinto at ang asawa niyang si Trevor Magallanes sa pagdating ni Alexandria, ang kanilang panganay na anak.
Matapos ang kanilang kasal at kakaibang maternity shoot, ibinahagi naman ni Rufa Mae ang ilang detalye mula sa kaniyang 4D ultrasound.
Paglalarawan niya sa kanilang anak, “Napakaganda niya, matangos ilong, and deep set na almond eyes, full lips. Complete siya and perfectly daw haha!”
Ayon pa sa aktres, tila namana ni Alexandria ang kaniyang kakulitan.
“3 lbs 5 oz, 142 heart beat niya, makulit siya, parang ako! Sabi niya, 'Todo na to! Go go go!'” ayon sa proud mom-to-be.
Inamin ni Rufa Mae na pinag-isipan niyang mabuti ang pagkakaroon ng anak dahil sa mga hamon na dulot ng pagbubuntis at pagkakaroon ng sariling pamilya.
Aniya, “Natagalan ako bago mag-isip na magkaanak dahil natatakot ako na lumaki tyan ko and dahil baka mag ka stretch marks ako (buti nalang wala ako stretch marks haha), na baka mahirap, etc,. Pero dahil sa pagmamahal, sa tulong ng dasal, at sa asawa ko @trevvvsilog, naging malakas ang loob ko na harapin at embrace ang lahat ng pagbabago sa sarili ko at sa katawan ko.”
“Ito ang pinakamasayang yugto ng pagkatao ko, hindi na ako mag-iisa kahit kailan... Kumpleto na ang buhay ko at may sarili na akong pamilya! Ito ang pinakamagandang regalo galing sa Maykapal!” dagdag pa niya.
Ibinalita rin ng aktres ang ginagawa niyang pagwo-workout para sa kanila ng kaniyang baby.
A photo posted by Rufa mae Quinto (@rufamaequinto) on
Inanunsyo ni Rufa Mae ang kaniyang pagbubuntis nitong nakaraang Setyembre, at ikinasal naman sila ni Trevor nitong nakaraang Nobyembre. -- FRJ, GMA News