ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Michael V. on success: Wala sa hitsura, wala sa impluwensya


Ibinahagi nitong Sabado ng batikang komedyante at “Pepito Manaloto” star na si Michael V. ang isang larawan mula sa kaniyang kabataan, kasabay ng isang mensahe tungkol sa pagtupad niya ng kaniyang mga pangarap.

Ayon kay Bitoy, hindi niya akalain noon na matutupad ang pangarap niyang maging artista, ngunit malaki na ang ipinagpapasalamat niya dahil sa kaniyang pamilya, mga kaibigan, at sa talentong ipinagkaloob sa kaniya.

“Taken during my grade school days. I'm sure napa-LOL kayo sa itsura ko! Back then, hindi ko naisip na magkakatotoo lahat ng mga pangarap ko. Mahirap lang kami pero alam ko, masaya at masuwerte ako. Binigyan ako ng mapagmahal na pamilya, mga kaibigang mapagkakatiwalaan, at talentong maaasahan,” aniya sa isang Instagram post.

Natupad man ang pangarap niya noong bata pa siya, patuloy umanong nangangarap ang Kapuso host-actor, at patuloy rin siyang magpapasalamat para sa pamilya, mga kaibigan, at talentong mayroon siya.

Payo niya sa mga tulad niyang nangangarap, umasa lamang sa sarili para sa katuparan ng mga ito.

Ayon kay Bitoy, “Wala pala sa itsura ang success. Wala sa impluwensya. Wala sa ibang tao. Ang kapalaran mo ay nasa kamay mo. Ipinagkaloob ng Diyos sa 'yo kaya dapat gamitin mo ng tama. 'Yung mga bagay na kailangan mo, binibigay Niya sa 'yo. 'Yung mga bagay na hindi mo kailangan, madalas ikaw lang ang may gusto.”

“Bata pa lang nangangarap na 'ko. Ngayon, nag-iba na mga pangarap ko pero hindi pa rin ako tumitigil mangarap. Kasi alam kong 'yung mga pangarap ko ay ako lang ang nagmamay-ari at hindi maaagaw ng kahit sino... Kahit ganito pa ang itsura mo,” pagtatapos niya.

 

Taken during my grade school days. I'm sure napa-LOL kayo sa itsura ko! ???? Back then, hindi ko naisip na magkakatotoo lahat ng mga pangarap ko. Mahirap lang kami pero alam ko, masaya at masuwerte ako. Binigyan ako ng mapagmahal na pamilya, mga kaibigang mapagkakatiwalaan at talentong maaasahan. Wala pala sa itsura ang success. Wala sa impluwensya. Wala sa ibang tao. Ang kapalaran mo e nasa kamay mo. Ipinagkaloob ng Diyos sa 'yo kaya dapat gamitin mo ng tama. 'Yung mga bagay na kailangan mo, 'binibigay Niya sa 'yo. 'Yung mga bagay na hindi mo kailangan, madalas ikaw lang ang may gusto. 47 years old na ako today. May sarili na 'kong mapagmahal na pamilya, nadagdagan na ang mga kaibigang mapagkakatiwalaan at nagamit ko ng tama ang talentong maaasahan. Bata pa lang nangangarap na 'ko. Ngayon, nag-iba na mga pangarap ko pero hindi pa rin ako tumitigil mangarap. Kasi alam kong 'yung mga pangarap ko e ako lang ang nagmamay-ari at hindi maa-agaw ng kahit sino. Kahit ganito pa ang itsura mo. ??????????

A photo posted by Michael V. ???????? (@michaelbitoy) on

 

Maliban sa kaniyang pagbida sa award-winning Kapuso comedy show na “Pepito Manaloto,” abala rin si Bitoy sa pagpapasaya ng mga manonood bilang bahagi ng longest-running sketch comedy program na “Bubble Gang.” —ALG, GMA News