LOOK: Raymart Santiago celebrates Christmas with children Sabina and Santino
Sakabila ng bagong hidwaan nila ng kaniyang estrange wife na si Claudine Barretto, nakapiling pa rin naman ni Raymart Santiago nitong nakaraang Pasko ang kanilang mga anak na sina Sabina at Santino.
Ilang buwan lang ang nakararaan nang mapaulat ang naging hidwaan nina Claudine at Raymart bunga ng umano'y pananakit kay Santino ng isa sa mga batang pamangkin ng aktor.
Hindi nagustuhan ng aktres ang nangyari sa kaniyang anak, habang itinuturing naman ng aktor na away ng mga bata lamang ang nangyari na hindi na dapat palakihin.
Ngunit sa kabila ng galit ni Claudine, na isinapubliko niya sa pamamagitan ng social media, nakapiling pa rin naman ni Raymart nitong nakaraang Pasko ang kaliyang dalawang anak.
Ibinahagi ng aktor ang larawan niya kasama ang mga anak na si Sabina at Santino.
Aniya, “May the spirit of the season bring you closer to those whom you cherish so much. May this be a year of celebrations for everyone, Merry Christmas to all.”
A photo posted by raymartsantiago (@raymartsantiago) on
Nakasama rin ni Raymart ngayong Pasko ang kaniyang mga kapatid na sina Randy, Rowell, Reily, at Rhea.
With love and warm greetings from us all. Merry Christmas!
A photo posted by raymartsantiago (@raymartsantiago) on
Bago pa ang naging alitan nila nitong Nobyembre, sinabi ng dating mag-asawa na handa silang maging magkaibigan muli para sa kanilang mga anak.
“Kami ni Raymart ngayon, we're really very good friends. We're really trying our best talaga to be good parents. Kasi nga, nag-fail na po kami as husband and wife sa mga anak namin. So, we don't wanna fail as parents naman,” paliwanag ng aktres sa naunang panayam.
Dagdag pa niya, "We really are trying to be the best of friends for the kids talaga."
-- FRJ, GMA News