Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Drew Arellano shares video of Baby Primo speaking his ‘first words’


Ipinasilip ng Kapuso host-actor at proud dad na si Drew Arellano ang nakakatuwang video kung saan maririnig ang “first words” ni Antonio Primo, ang unico hijo nila ng “24 Oras” anchor na si Iya Villania.

“@antonioprimoarellano 's first words... #ohyeah,” ayon kay Drew sa isang Instagram post nitong Lunes.

Isang araw pa lamang ang nakalipas mula nang ibahagi ng “Biyahe ni Drew” host ang nakakatuwang video, umani na ito ng higit sa 164,000 views.

“We're very generous to just capture stills, every moment, videos, and we just share it on social media because we're so ecstatic,” ayon kay Drew sa naunang panayam.

Dagdag ni Iya, “Hindi namin mapigilan kasi sobra kaming natutuwa, kahit kaunting ngiti lang.”

 

@antonioprimoarellano 's first words... ???? #ohyeah

A video posted by Drew Arellano (@drewarellano) on

 

Maliban sa pagiging hands-on parents kay Baby Primo, abala rin ngayon ang mag-asawang Iya at Drew sa paghahanda para sa “People vs. The Stars,” ang bagong Kapuso game show kung saan magisislbi silang hosts.

—ALG, GMA News