ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Direk Jun Robles Lana shares deleted scenes from 'Die Beautiful'


Isa sa mga pelikulang pinilahan sa sinehan noong Metro Manila Film Festival 2016 ang “Die Beautiful,” na pinagbidahan ng MMFF 2016 at Tokyo International Film Festival 2016 Best Actor na si Paolo Ballesteros.

Isang araw mula nang opisyal na magtapos ang prestihiyosong film festival, ibinahagi ng direktor na si Jun Robles Lana ang ilang deleted scenes mula sa pelikulang nagpatawa at nagpaiyak sa maraming manonood.

“Binura. Hinanap. Binalik. Sa mga nagre-request, eto na 'yung deleted scene ng buong barkada. #DieBeautiful,” aniya.

Sa naturang video post, sinabi ng batikang direktor na, “for mature viewing” raw ang video clip na kaniyang ibinahagi.

 


Mapapanood sa deleted scene si Paolo, ang MMFF 2016 Best Supporting Actor na si Christian Bables, at ang “Die Beautiful” stars na sina IC Mendoza at Cedrick Juan.


Sa isa pang deleted scene na ibinahagi ni Direk Jun, makikita naman ang madamdaming eksena sa lamay ni Trisha Echevarria, ang transgender na binigyang-buhay ni Paolo.

Bukod sa mga artistang gumanap bilang kaibigan ni Trisha, mapapanood rin dito ang mga batikang aktor na sina Joel Torre at Gladys Reyes, na gumanap bilang ama at kapatid ng bida.

Ayon sa direktor, isang buong araw ang kinailangan upang ma-shoot ang eksenang ito.

Paliwanag niya, “This DELETED SCENE took a whole day to shoot. But during edit, it was not working for the story. Tough decision.”

 

 

Sa naunang pahayag, sinabi ni Direk Jun na halos tatlong oras ang unang cut ng pelikula kaya maraming eksena ang hindi nakasama sa final edit.

Ayon sa direktor, ibinabahagi niya ang ilang deleted scenes bilang pasasalamat sa lahat ng mga nagmahal at sumuporta sa “Die Beautiful,” na humigit-kumulang tatlong linggong napanood sa mga sinehan. -- FRJ, GMA News

Tags: diebeautiful