ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Camille Prats and VJ Yambao's wedding video


Matapos silang ikasal sa isang private resort sa Batangas nitong Sabado, inilabas na ang romantikong wedding video nina Camille Prats at VJ Yambao.

Sa footage ng Nice Print Photography sa ini-upload sa Youtube nitong Miyerkules, kuhang-kuha ang masasaya at emosyunal na takbo sa kasal ng Kapuso TV host-actress at negosyanteng si VJ.

Sa kanilang wedding vows, inihayag ni VJ ang kaniyang naging panalangin noon na mabigyan siya ng ideal wife, at ang pagbabalik-tanaw niya noong mga bata pa sila ni Camille.

"Naalala ko pa dati nung bata tayo; sa classrom magkatabi, nag-uusap; sa playground naman nagngingitian, naglalaro. Sa harapan ng ating mga pamilya, sa mga kaibigan at sa lahat ng nagmamahal sa atin, sino ba naman ang mag-aakala na ngayon, kaharap na kita sa altar," ayon kay VJ.

Nagpasalamat naman si Camille kay VJ sa pag-aalaga at pagmamahan sa kaniya at sa anak niyang si Nathan.

Si Nathan ay anak ni Camille sa nauna nitong asawa na si Anthony Linsangan, na pumanaw noong 2011 dahil sa sakit na cancer.

"You are truly an answered prayer not only to me, but more so for him. Because of you, I am a firm believer of second chances, destiny, and faith," ani Camille.

"From now on, you will never go through life alone. I promise to always be by your side at times of need and trouble, success and failures. I will be your best friend, your travel buddy, sound critic, and forever buddy," dagdag ng TV host-actress.

Kabilang sa mga dumalo sa kasal sina Pauleen Luna, Kaye Abad at ang kaniyang sister-in-law na si Isabel Oli, na asawa ni John Prats. -- FRJ, GMA News