ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dolphy Museum, ilalagay sa itatayong residential resort sa Batangas


Isang residential resort na tatawaging Dolphyville ang itatayo sa Calatagan, Batangas na ang magiging pangunahing atraksyon ay ang museum ng namayapang King of Philippine Comedy na si Dolphy.

Ito ang ibinahagi ni Epy Quizon sa presscon ng horror movie na "Ilawod" nitong Huwebes, ayon sa ulat ni Rommel Gonzales sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) nitong Sabado.

READ: Epy Quizon, inilahad ang katangian ng amang si Dolphy na 'di niya nagaya

Dinidevelop na umano ang lugar na pagtatayuan ng proyekto na isang residential resort, na paglalarawan ni Epy, "it will be the happiest place on earth.”

“The museum of my father will be there, of course, good amenities, and of course, it’s in Calatagan, a very nice location,” saad ng aktor.

Pagbahagi pa ni Epy, ang lupa na pagtatayuan ng proyekto ay pag-aari ng yumaong ama at kabilang sa mga nalipat sa Dolphy estate. -- FRJ, GMA News

Tags: dolphy