Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Boobay back to work after stroke


Sandaling nagpahinga mula sa trabaho ang Kapuso comedian na si Boobay matapos siyang ma-stroke nitong nakaraang Nobyembre.

Higit sa isang buwan mula nang makalabas siya sa ospital, balik-showbiz na ang komedyante upang magpasaya muli ng mga manonoood sa award-winning Kapuso comedy variety show na “Sunday Pinasaya.”

Sa isang Instagram post, ipinasilip ni Boobay ang kaniyang look para sa programa kasabay na pasasalamat sa Panginoon na nagbigay-daan sa kaniyang paggaling.

Labis naman ang saya ng kaniyang mga kaibigan at tagahanga, na sunod-sunod ang pagbibigay ng “Welcome Back!” messages para sa komedyante.

 

 

mga Kapuso, Sunday Pinasaya na po!!!???????????? thank you Lord!!! ???????????? #SPSHappyDay

A photo posted by norman balbuena (@boobay7) on

 

Nagpasalamat rin si Boobay sa kaniyang matalik na kaibigan at Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, na isa sa mga tumulong sa kaniya nang ma-stroke siya noong nakaraang taon.

“Hmmm.. Salamat, loves @therealmarian... Salamat sa lahat... I love you,” aniya.

 

 

hmmm ..salamat loves @therealmarian ... salamat sa lahat... ?????? i love you... ????

A photo posted by norman balbuena (@boobay7) on

 

Magkasama sina Boobay at Marian sa nakakatuwang “Hoy! Shopping!” segment ng “Sunday Pinasaya” nitong Linggo, kung saan kitang-kitang balik na nga ang sigla ng Kapuso comedian.

 

 

Mag pagliyad dito sa Hoy! Shopping! #SPSHappyDay @therealmarian @boobay7

A video posted by Sunday Pinasaya (@gmasundaypinasaya) on

 

—Bianca Rose Dabu/JST, GMA News