Tirso Cruz III and wife do their version of 'Ipapasa Ko 'To Sa Facebook' video
Ilang araw mula nang kumalat sa social media ang video ng magkapatid na sina Bilog at Bunak, marami na ang gumawa ng kani-kanilang bersiyon nang naging bangayan ng dalawang batang magkapatid.
READ: The emotional story of the kids in 'Nung ako'y bata pa' viral video
Bukod kay Maine Mendoza at Dean Mendoza, Sanya Lopez at Jak Roberto, at Ruru Madrid at Atak, hindi rin nagpahuli sa pagpapatawa ang batikang aktor na si Tirso Cruz III at ang kaniyang asawang si Lynn Cruz.
Sa isang Instagram post, ipinasilip ng mag-asawa ang kanilang Dubsmash ng pagtatalo nina Bilog at Bunak.
“Wala kaming magawa dito sa farm while waiting for the kids kagabi. Kaya eto nalang ang naisip naming gawin. Sana maaliw kayo,” ayon kay Tirso.
Marami nga ang natuwa sa simpleng bonding moment ng mag-asawa, kaya naman binansagan na rin silang #RelationshipGoals.
A video posted by @tirsocruziii on
Dahil marami ang naka-relate at natuwa sa video ng magkapatid, itinampok sa "Kapuso Mo Jessica Soho" ang kuwento ng kanilang buhay.
Ayon kay Bilog, matagal na niyang ineensayo ang kanta—ang Filipino version ng "Dance With My Father"—para sa kaniyang ama, na iniwan ang kanilang pamilya nitong nakaraang taon lamang.
Umaasa ang bata na kapag nakita siya ng kaniyang ama sa social media, babalik na ito sa kanila at muling mabubuo ang kanilang pamilya. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News