Yasmien Kurdi renews contract with GMA Network
Muling pumirma ng kontrata sa GMA Network ang Kapuso actress at "Sa Piling Ni Nanay” star na si Yasmien Kurdi nitong Miyerkules, January 25, kasabay ng kaniyang ika-28 na kaarawan.
Ayon kay Yasmien, itinuring na niyang ikalawang tahanan ang GMA mula nang manalo siya bilang First Princess sa “Starstruck: Season 1” noong 2004.
“Isang magandang birthday gift ito sa akin ng GMA. Tuloy-tuloy lang. Dito ako nagdalaga. Simula pagkabata ko, nandito na ako, at baka dito na ako tumanda. I'm really happy to be Kapuso,” aniya sa isang panayam nitong Miyerkules.
Dagdag pa ng aktres, “'Yung pagmamahal na binibinigay nila sa akin, hindi trabaho yung napi-feel mo kundi pamilya. Pinaparamdam nila sa akin na this is my home.Maliban sa ina ni Yasmien na si Miriam Ong-Yuson, naroon din sa contract signing sina Liliybeth Rasonable ng GMA Entertainment TV at Gigi Santiago-Lara ng GMA Artist Center.
Sa pananatili niyang Kapuso, kaabang-abang ang mga pagbibidahang drama show sa GMA.
“Yasmien is a very good actress, we all know that. Pinatunayan niya 'yan sa 'Sa Piling Ni Nanay' and even in her past projects. Now the challenge to us is to look for roles that she can still portray because of her wide range when it comes to acting. Makakaasa ang kaniyang fans na more drama projects for Yasmien,” ayon kay Ms. Rasonable.
Ano nga ba ang dream role ng Kapuso actress?
“Marami pa akong gustong maging roles. Gusto kong maging bakla, tomboy, babae, lalaki—lahat! Maraming puwedeng maging roles. Maglakad ka lang diyan sa kalye, marami kang makikita istorya. Bawat tao rito sa mundo ay may istorya sa buhay. So I guess, marami pang roles at marami pang projects na puwedeng i-explore,” saad niya.
“(Gusto ko yung) mga normal na mamamayan na nakaka-touch ng mga tao. Yung may mako-contribute ang character at istorya niya para ma-inspire ang ibang tao,” dagdag pa ng aktres.
A photo posted by Yasmien Kurdi (@yasmien_kurdi) on
Mapapanood araw-araw si Yasmien sa GMA Afternoon Prime series na “Sa Piling Ni Nanay” kasama sina Mark Herras, Katrina Halili, Nova Villa, Bettinna Carlos, at marami pang iba. -- FRJ, GMA News