ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
SA 'ENCANTADIA'

Encantadiks, kaniya-kaniyang hula na kung sinong Sang'gre ang masasawi


Patuloy na tinututukan ng mga manonood ang hit Kapuso fantaseries na "Encantadia" lalo na ngayong napapabalita na isa sa apat na Sang'gre ang magsasakripisyo at masasawi para mabawi ang Lireo mula kay Haring Hagorn.

Sa episode ng "Encantadia" nitong Miyerkules, kaniya-kaniyang habilin at pamamaalam na sina Amihan [Kylie Padilla] at Alena [Gabbi Garcia], na nagkatakdang sumagupa sa mga kalaban.

Ipinakita na ang pagkakasugat ni Amihan nang makalaban si Amaro, habang ipinakita rin sa teaser ng susunod na episode ang pagkakasugat din ni Alena.

Sa ulat ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, hindi lang ang mga Encantadiks, kung hindi maging ang mga Kapuso star ay  nag-aabang din kung sino sa mga Sang'gre ang masasawi.

Ang "Meant To Be" leading men, hati ang opinyon kung sino kina Amihan at Alena ang mamaalam.

Si Amihan, ang hula ni Jak Roberto, habang si Alena naman ang hula nina Ken Chan at Addy Raj.

Para naman kay Carla Abellana, si Alena tingin niyang mamamaalam.

Ang netizens, tinutukan ang episode at kani-kanilang ring hula at komento tungkol sa kung sino sa mga Sang'gre ang magsasakripisyo at mamamatay.

 

 

Samantala, nag-viral naman ngayong araw ang isang 'leaked' photo ng behind the scenes taping ng "Encantadia," na tila ipinahihiwatig na si Amihan ang namaalam.

Ikinadismaya naman ito ng cast at crew, at ni Direk Mark Reyes.

Ayon kay Direk Mark, marami pang istoryang mailalahad sa pagitan nina Amihan, Ybrahim, Lira at kanyang mga kapatid.

Hindi raw din dito magtatapos si Amihan.

Pagkatapos ng episode nitong Miyerkules, may post naman sa Twitter si Glaiza de Castro na gumaganap na si Pirena.

 

 

--Bianca Rose Dabu/ FRJ, GMA News

Tags: encantadia