Aljur Abrenica, todo-alaga si Kylie Padilla
Ilang araw makaraang kumpirmahin nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla na engaged na sila at nagdadalang-tao ang aktres, nag-post ang aktor ng ilang larawan sa Instagram habang nagkukulitan sila ng kaniyang fiancé.
Sa IG account ni Aljur, ipinost nito ang larawan habang kinakain ni Kylie ng Bolognese pasta at mayroon pang pastries.
Caption ni Aljur sa naturang larawan na may kasamang heart shape, " Friday afternoon craving satisfied my love?
Friday afternoon craving satisfied my love? ? @kylienicolepadilla
A photo posted by Aljur Abrenica (@ajabrenica) on
Sa isa pang larawan, makikita naman ang kulitan ng dalawa pagkatapos kumain ni Kylie.
" The aftermath! Bolognese high hehe," nakalagay na caption naman ni Aljur.
The aftermath! Bolognese high hehe ? @kylienicolepadilla
A photo posted by Aljur Abrenica (@ajabrenica) on
Nagpahayag naman ng kasiyahan ang mga follower at fans ng aktor sa ginagawa nitong pag-aalaga kay Kylie.
Nitong Huwebes, sinabi ni Aljur na engaged na sila ni Kylie at nagsasama na bago lumabas ang balita nagdadalang-tao ang aktres. (READ: Aljur: Kylie and I were engaged, living together before pregnancy).
-- FRJ, GMA News