ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
FIND OUT:

Ang mga beauty queen na nasa 'Encantadia'


Tatlo sa mga "Encantadia" star ang mahilig sumabak sa local beauty contests, at puwedeng-puwede rin silang panlaban sa international beauty pageant.

Sa ulat ni Lhar Santiago sa GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkules, hindi lang pala kaharian ng mga mandirigma ang Lireo sa "Encantadia" kung hindi tahanan din ng mga beauty queen.

Click here to watch exclusive "Encantadia" videos:

 

Bago pumasok sa showbiz, suki na raw ng mga beauty contest si Sanya Lopez, na kilala bilang si Sanggre Danaya.

Aminado si Sanya na pinilit lang siya ng mga kaibigan at kaanak noong simula pero kinalaunan ay nagustuhan na rin niya.

"Sa umpisa talagang kabang-kaba ako pero once nananalo ka na, doon mo mapi-feel na ang sarap palang manalo,  ang sarap palang sumali sa pageant," anang aktres.

Si Gabbi Garcia na tagapangalaga ng brilyante ng tubig bilang Sang'gre Alena, marami rin daw hawak na korona.

"Before ako umenter ng showbiz, kontesera akong bata. Lahat yata ng beauty pageants and talent contests, sinalihan ko. So 'yon yung preparation ko bago ako naging artista," kwento niya.

Dahil certified kontesera, sasabak din kaya siya sa malalaking kompetisyon tulad ng Binibining Pilipinas at Miss Universe?

"Childhood dream ko siya ever since. Pero hindi ko pa masabi ngayon. We'll cross the bridge when we get there," ayon kay Gabbi.

Samantala, reigning Miss Architecture naman sa University of Santo Tomas si Mikee Quintos, gumaganap na si Lira na anak ni Sang'gre Amihan.

Tandang-tanda pa ni Mikee ang itinanong at isinagot niya sa Question and Answer Portion sa naturang kompetisyon.

Ang tanong sa kanya, "Ano ang masasabi mo sa mga babaeng nababastos dahil sa kanilang pananamit?"

At ang kanyang winning answer: "What we do, we do it for ourselves not for anybody else. Kung magbibihis kami, magpapaganda kami, it's to make ourselves happy, not to please anyone. So it's never an excuse na dahil sa suot o hitsura ng babae, puwede mo silang bastusin."

Ayon kay Mikee, nais niyang maging role model bilang estudyante at hindi lang sa bilang isang beauty queen.

Kaya naman kahit mahirap, pinagsasabay ni Mikee ang kaniyang pag-aaral at pagtatrabaho sa showbiz.

At kapag may pagkakataon, nagagamit din umano ni Mikee ang kaniyang kurso para tumulong sa set ng "Encantadia."

"May time na inaasar nila ako na art director daw. Nagkaroon [kasi] ng eksenang may golden chest, ako talaga 'yung nag-ayos, as in," natatawa niyang kuwento. -- FRJ, GMA News