Is Inah de Belen joining hit fantaserye Encantadia?
Kasunod ng pagpanaw ni Pirena at ng iba pang mgA sorpresa na hindi napanood noon sa orihinal na serye, patuloy ang mga maiinit na eksena sa remake at retelling ng hit Kapuso fantasy series na “Encantadia.”
Ayon nga kay Glaiza de Castro, na nagbigay-buhay kay Sang'gre Pirena, "May mga nababawasan dahil may mga paparating.”
Kamakailan lamang, tila nagbigay ng clue ang Kapuso actress na si Inah De Belen tungkol sa mga bagong artistang mapapanood sa “Encantadia.”
Sa isang Instagram post nitong nakaraang linggo, ipinasilip ng aktres ang isang larawan kung saan tila nag-eensayo siya ng martial arts.
Kaakibat ng naturang post ang caption na “Abangan siya sa Encantadia. Malapit na!”
Abangan siya sa Encantadia. Malapit na!
A photo posted by Inah de Belen Estrada (@czarinahisabella) on
Marami ang nasabik dahil sa post na ito ni Inah, ngunit hindi pa niya kinumpirma kung gaganap nga ba siya bilang isang panibagong karakter sa fantaserye.
Abangan ang mga kapanapanabik na eksena sa “Encantadia” araw-araw, pagkatapos ng “24 Oras.” —ALG, GMA News