Sinon 'Rogelia' Loresca, may tip para sa catwalk na pak na pak!
Aminado ang machong rampadora na si Sinon "Rogelia" Loresca na hindi niya inasahang papatok sa social media at mapapansin maging sa ibang bansa ang mala-beauty queen niyang pagrampa nang naka-high heels.
Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, ipinakita ang mga video ni Sinon na kahit bato-bato ang katawan ay walang kahirap-hirap na kumembot habang naglalakad nang naka-six inch heels.
hard training to become a KING OF CATWALK ????????
A video posted by ?????FFICIAL ?????CCOUNT ???????? (@sinonloresca) on
Kahit nga raw saang lugar ay kayang rumampa ni Sinon.
Pero hindi raw niya inaasahan na mapapansin sa ibang bansa ang kaniyang pagrampa at binansagan pa siyang "King of Catwalk!"
Pag-amin ng dating kalyeserye star ng "Eat Bulaga," bata pa lang ay pangarap na talaga niyang maging super model.
At sa panonood daw ng mga international beauty pageant nahasa ang kanyang pagrampa.
"Malaki lang katawan ko pero feeling ko kaya ko ang lakad na ito," kuwento ni Sinon na mapapanood na rin sa GMA series na "Impostora."
"Minsan tsine-check ko, ako ba talaga ito? Pagtingin ko katawan ko, heels ko, lakad ko, bakla! ako nga!," natatawang kuwento ni Sinon nang mag-viral worldwide ang kaniyang catwalk video.
"Sobra po akong natuwa, sobrang overwhelmed," dagdag niya.
#TearsOfJoy THANK YOU GUYS FOR BRINGING MY CATWALK WORLDWIDE ????????????
A video posted by ?????FFICIAL ?????CCOUNT ???????? (@sinonloresca) on
Ayon kay Sinon, kumpiyansa lang sa sarili ang susi para gumaling sa pagka-catwalk.
"Kung malakas ang loob mo lalabas 'yan sa pagrampa para maging standout," aniya.
At kung bibigyan daw ng pangalan ang kaniyang catwalk, mas maganda raw itong tawagin na "king and queen walk."
"Pinaghalo, mixed naman ako...half lalaki, half binababae," natatawa niyang paliwanag. -- FRJ, GMA News