Filtered By: Showbiz
Showbiz

Tito Sotto sa love story nila ni Helen Gamboa: 'Hot and spicy'


Sa special feature ng “Eat Bulaga!” ngayong papalapit na ang Valentine's Day, ibinahagi ni Senador Tito Sotto ang kuwento ng pag-iibigan at ang ginawang pagtanan niya sa misis na si Helen Gamboa.

Sa video upload sa Facebook page ng "Eat Bulaga," inilarawan ni Tito Sen ang kaniyang love story bilang "hot and spicy."

Kasabay nito, inilarawan din ng celebrity-politician ang kaniyang maybahay na si Helen na "passionately caring."

"Nung magtanan kami nung 1969, tumalon siya sa bakod," saad ni Tito Sen. "Itinakbo ko siya sa Sto. Tomas, Batangas. Ikinasal kami sa pari dahil nawawala yung piskal."

Natatawa pa niyang kuwento, "Ibinalik ko siya nung hapon na, at ang laki ng problema namin pag-uwi."

Nang hingan siya ng mensahe para sa asawa, tugon ng senador, "I love you forever. Alam mo 'yon. And I know you love me too."

WATCH: Pia Guanio talks about 'fast and furious' love story with husband Steeve Mago

READ: Ryan Agoncillo on wife Judy Ann Santos: 'Super wife, super mom'

-- FRJ, GMA News