ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Gumanap na bride sa viral Jollibee ad, na-friend zone na rin noon


Sikat na sikat ngayon ang pinakabagong commercials ng isang fastfood chain dahil sa mga pamilyar na kuwentong pag-ibig na ipinapakita ng mga ito.

Isa na rito ang “Vow,” kung saan natunghayan ng lahat ang malungkot na kuwento ng dalawang matalik na magkaibigan, na ginampanan nina Mark Joseph Tam at Melissa Lauren Atadero. 

Ayon kay Melissa sa panayam  ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" nitong Linggo, minsan na siyang na-”friendzone.”

“Siguro hindi naman in love, pero alam ko where it's going to stop. Iniingatan ko 'yung emotions ko kasi alam ko na ganoon lang dapat. Siyempre, masakit ang rejection, pero kailangan tanggapin,” kuwento niya.

 

 

Payo ni Melissa sa mga nagmamahal sa kani-kanilang best friends, huwag mawalan ng pag-asa sa pag-ibig anoman ang mangyari.

“Ipagpatuloy lang ang love pero kailangan alam niyo kung kailan magsa-stop para hindi kayo sobrang umasa,” ayon kay Melissa. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News