Kapuso stars, may tips kung paano ma-enjoy ang prom night
Bahagi ng high school life ang junior-senior prom night na isa sa inaabangan ng mga kabataang mag-aaral. Ang ilan sa mga young Kapuso star, may tips kung paano ito ma-e-enjoy.
Sa ulat ni Lhar Santiago sa GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabing ang high school prom night ay kabilang sa mga inaabangan ng mga estudyante ngayong love month ng Pebrero.
Ang Kapuso sweetheart na si Bianca Umali, very happy raw sa kanyang prom noon kung saan naging escort niya ang ka-love team na si Miguel Tanfelix.
Nang gabing iyon, nakuha ni Bianca ang pagkilala bilang "Belle of the Prom."
"Muntikan pa akong hindi maka-attend because of work pero nagawan naman ng paraan," aniya. "Siyempre yung date ko was Miguel, outsider yung date ko and I really had fun."
Payo ni Bianca, just be yourself at maghanda nang maagad para ma-enjoy ang prom.
"To be able to enjoy you have to be comfortable. So yung comfort and of course, kung ano yung gusto mong suotin, kung ano 'yung gusto mong maging hitsura mo, go ka," mungkahi ng young actress.
Ang Kapuso actress naman na si Sheena Halili, ka-date noon sa prom ang dating kasamahan sa "Starstruck" at ex-boyfriend na si Rainier Castillo.
"Nag-Starstruck na ako nun, ang naka-partner ko nun si Rainier, pumunta siya ng Pampanga. Nanalo naman ako ng parang Face of the Night," kuwento ni Sheena.
Samantala, naalala naman ni Koreen Medina ang ginawang pagbabantay sa kaniya noon ng kaniyang lola nang dumalo rin siya sa prom.
"Bantay-sarado po ako ng lola ko, kahit sa prom, nasa labas lang siya ganun," natatawa nitong kuwento ni Koreen na itinanghal na Prom Queen.
"Na-enjoy ko naman po siya kasi siyempre may mga close friends ka," dagdag niya.
Ang "Encantadia" star na si Kylie Padilla, may hatid pa noong prom hair and makeup tutorial na maaari pa rin magamit na gabay.
Pero sa lahat ng prom stories, tila wala na raw hihigit pa sa "dream come true moment" ng isang high school student na pinagbigyan at sinamahan ni Kapuso star Lovi poe sa prom noong nakaraang taon. -- FRJ, GMA News