Napatunayan ni Sanya Lopez na mali ang kaniyang mga basher, ayon kay Diana Zubiri
Pabirong inamin ni Diana Zubiri na hindi niya naiwasan na alamin kung gaano ka-sexy si Sanya Lopez nang malaman niya na ito ang bagong gaganap sa karakter na si Sang'gre Danaya, na dati niyang ginampanan sa unang "Encantadia."
"Siyempre, chineck ko muna kung mas sexy siya sa akin," biro ni Diana sa artikulong isinulat ni James Patrick Anarcon na lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Biyernes.
Patuloy ng aktres, "Hindi, alam mo kasi, magiging comparison yun, yun yung number one na magiging comparison di ba?
"Siyempre, chineck ko muna kasi buntis ako nun nung nalaman ko na meron na.
"So parang may mga insecurities ako. Hormones ata yung tinatawag dun.
"Tapos sabi ko, ah, okay naman pala. Kaya niya yan. Kasi ako naman nung nagstart ako as Danaya, wala rin naman ako, sino ba ako nun, di ba?"
Naniniwala rin si Diana na napatunayan na ni Sanya na mali ang mga basher na nagdududa sa kaniyang kakayahan nang makuha ang nabanggit na role.
"So yung iba na nega na nangbabash sa kanya, okay lang yun, kasi kaya lang naman may mga ganun because of social media. Mas grabe sila ngayon. Before wala namang ganun, di ba?
"I'm sure naman napatunayan na ni Sanya yung sarili niya," dagdag ni Diana, na nagbalik sa bagong Encantadia bilang si Lilasari.
Samantala, patuloy namang umiinit ang mga eksena sa "Encantadia" at mayroong bagong digmaang susuungin ang mga sang'gre.
Click here for more of Encantadia videos:
-- FRJ, GMA News