ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

OPM singers, paano kaya hahatiin ang napanalunang Mega Jackpot sa 'Wowowin'?


Ang mga OPM singers na grupong Jeremiah, at sina Jireh Lim, at Jude Michael ang ikatlong nanalo ng Mega Jackpot winners sa "Wowowin" nitong Lunes.

Pero bago sila makarating sa tawaran portion, kinailangan muna nilang talunin sa elimination round ang '80s Triplets na sina Manilyn Reynes, Sheryl Cruz, at Tina Paner.

WATCH: Unang 'Wowowin' Mega Jackpot winner na si Shayne, 'di pa nakikita ang Briton na ama

Malaki ang pasasalamat ng male OPM singers sa pagkakapanalo nila ng Mega Jackpot na naglalaman ng mga premyong kotse, P1 milyon at house and lot.

Pag-amin ni Jireh, ito ang unang pagkakataon na nanalo siya sa sinalihang game show.

“Ilang game shows na ang nasalihan ko, pero wala. Ngayon lang talaga," aniya.

Nagpapasalamat siya kay Piwee [ng Jeremiah] na karamihan ay siyang sumagot sa mga tanong, habang si Jude naman daw ang pumili ng kahon.

Pinili pa rin nila ang kahon kahit P350,000.00 ang alok na ibinigay ni Kuya Wil.

Sinabi naman ni Jude na ini-enjoy lang nila ang laro at sinuportahan nila ang isa't isa.

"Walang bad vibes. So sabi namin kanina, ‘Mananalo tayo. Mananalo tayo,’" aniya.

Sa ngayon, hindi pa raw nila iniisip kung papaano hahatian ang kanilang pero at nais lang daw muna nilang magdiwang sa kanilang pagkapanalo.

Sina Jireh, Jude at Jeremiah, ang ikalawang nanalo ng Mega Jackpot bilang grupo.

READ: 3 salespersons win Wowowin’s Mega Jackpot, stumped on how to split winnings

Una rito ang tatlong sales agents na hinayaan ni Kuya Wil na sama-samang maglaro sa Mega Jackpot sa halip na maglaban-laban pa sa elimination round. -- FRJ, GMA News

Tags: wowowin