WATCH: Si Liz, ang kinamumuhiang kontrabida sa 'Legally Blind'
Kung may "Georgia" na kinasusuklaman ng mga manonood dahil sa pang-aagaw ng asawa sa "Ika-6 Na Utos," si Liz naman ang nagpapainit ng ulo ng mga sumusubaybay sa afternoon drama series na "Legally Blind," na nagpapahirap sa buhay ng bulag na si Grace.
Gaya ni Ryza Cenon, na gumaganap na Georgia, nakatatanggap na rin ng mga masasakit na komento sa netizens ang dating "Starstruck" Avenger na si Camille Torres, bilang si Elizabeth Guevarra.
Si Elizabeth o Liz, ay ang ambisyosang ex-girlfriend ni Edward, na ginagampanan ni Mikael Daez.
Pero nang malaman ni Liz na magkasintahan na sina Edward at Grace, na karakter ni Janine Gutierrez, gumawa ito ng paraan upang ipahiya ang rape survivor at bulag na dalaga sa harap ng mga magulang ni Edward.
Sa naturang episode, maraming netizens ang nagalit sa ginawa ni Liz dahil sa ginawa niya kay Grace. Panoorin ang naturang episode.
Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
-- FRJ, GMA News