Klea Pineda, nais na maging relax at chill lang ang kaniyang debut party
Isang chill celebration ang inihanda ng Kapuso actress at "Encantadia" star na si Klea Pineda para sa nalalapit na pagdiriwang ng kaniyang 18th birthday.
Aniya, modern bohemian ang napili niyang theme ng #EighteenK party dahil bukod sa hilig niya sa mga bulaklak, nais din niya na maging relaxed ang feeling sa kaniyang selebrasyon.
IN PHOTOS: Klea Pineda looks like a beauty queen in pre-debut shoot
"Ang theme is modern bohemian. It's not very formal, na naka-gown lahat or something like that. Gusto ko kasi ng relax lang, chill lang ang party," pagbabahagi niya sa isang press conference nitong Martes.
Dagdag pa ng aktres, "I chose modern bohemian also because mahilig ako sa flowers. Sobrang nakaka-relax kasi kapag nakakakita ako ng flowers... Hindi pa ako artista, gusto ko na talagang theme 'yun sa debut ko."
Bukod sa kaniyang pamilya, tanging malalapit na kaibigan lamang ni Klea ang magiging bahagi ng kaniyang intimate party.
Pahayag niya, "The party will be intimate. I just want my family and friends to be there... With all the people around me giving me unconditional love and support, I'm inspired to focus on my ultimate goal, and that is to find happiness in everything I do."
Maging ang mga isusuot ni Klea ay malayo raw sa mga tradisyonal na ball gowns na makikita sa mga debut party.
Sorpresa ang magiging attire ng aktres sa mismong selebrasyon, ngunit para sa kaniyang after-party look, napag-desisyunan ng designer na si Kim Gan na gumawa ng isang boho chic-themed outfit.
"High-waisted wide leg pants and cropped top with colorful and fun details" ang paglalarawan ng designer sa isa sa mga fashionable ensembles na isusuot ni Klea.
Magaganap ang #EighteenK birthday celebration ni Klea sa Sabado, March 25, sa Nobu Hotel, City of Dreams Manila sa Parañaque City.
Ilan lamang sa mga magiging bisita ng aktres ay sina Jeric Gonzales, Juancho Trivino, Rocco Nacino, Pancho Magno, Jak Roberto, Ayra Mariano, Koreen Medina, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Glaiza de Castro, Mikee Quintos, at Kate Valdez.
Ayon sa talent manager na si Joy Marcelo, "I'm very excited for Klea. She's no longer a baby. She's our future Binibining Pilipinas, and we hope she reaches her ultimate dream of becoming a Miss Universe titleholder. Let's all support her and wish her all the best."
"Happy birthday to the sweetest star that we have!" pagtatapos niya. -- FRJ, GMA News