Ilang Kapuso hotties, naniniwala sa '70/30' fitness rule
Paano nga ba napapanatili ng mga artista ang kanilang fit and healthy body?
Bukod sa exercise, naniniwala ang ilang Kapuso stars na mahalaga ang pagkain nang tama upang maging camera-ready ang kanilang pangangatawan.
Ayon sa “Meant To Be” star at tinaguriang “Abs ng Bayan” na si Jak Roberto sa panayam ng “Unang Hirit” nitong Miyerkules, “Diet is important talaga. Kahit hindi ka nakakapag-workout, mahalagang nababantayan mo ang diet mo.”
“Ngayon, avoid talaga ako sa fattening foods. More on veggies and fruits para clean living,” dagdag pa niya.
Ito rin daw ang sikreto ng Kapuso loveteam at “Encantadia” stars na sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid upang buong taon ma-maintain ang kanilang beach body.
Pahayag ni Ruru, “High fats and high protein lang ang puwede kong kainin. Bawal ako sa carbs and sugar.”
“I don't actually go to the gym but I watch what I eat,” dugtong ni Gabbi.
Gamit din ng ilang Kapuso stars sa paghahanda para sa mga pagbibidahan nilang programa ang tinaguriang “70/30” fitness rule, o “70% diet and 30% exercise.
Doble ang effort ngayon ng “Tsuperhero” star na si Derrick Monasterio sa pagiging fit dahil kabilang siya sa mga bibida sa inaabangang Kapuso telefantasya na “Mulawin vs. Ravena," ang pagpapatuloy ng storyang sinubaybayan sa iconic 2004 series na "Mulawin."
Aniya, “I go to the gym twice a day. Pero sabi nga nila, what's more important is your diet. If you're working out regularly but you're not eating healthy, walang mangyayari. 70% diet, 30% gym.”
Silipin ang fitness routine ng inyong paboritong Kapuso stars at ma-inspire ngayong papalapit na ang summer:
-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News