Gabbi Garcia, nasorpresa sa pagkamatay ng mga karakter nina Lira at Mira sa 'Encantadia'
Tulad ng maraming Encantadiks, labis ding nalungkot ang cast ng hit Kapuso telefantasya na “Encantadia” sa hindi inaasahang pagkamatay nina Lira at Mira, ang mga karakter na binibigyang-buhay nina Mikee Quintos at Kate Valdez.
Ayon kay Gabbi Garcia, gumaganap bilang Sang'gre Alena, nagulat din sila nang mabasa sa script ang masalimuot na twist sa kuwento.
“Lahat kami, super sad. They're like the sunshine of the show. Para silang super twins, positive elements talaga of the show. It was very emotional for us and for them,” pagbabahagi ng Kapuso actress.
Ngayon pa lang, nami-miss na raw ng “Encantadia” star sina Mikee at Kate, na naging malapit na kaibigan na rin nilang lahat.
Gayunpaman, wala raw magbabago sa kanilang pinagsamahan sa likod ng camera, at patuloy pa rin daw nilang pagtitibayin ang kanilang pagkakaibigan kahit na hindi na sila magkakasama sa set ng telefantasya.
“Mikee, I always talk to her kasi... Ganoon din kay Kate. Natuwa ako na nakasama ko siya... lalo na noong nakita ko na naka-green na rin siya. Sabi ko, 'Aw! Next generation Sang'gre na.' Tapos biglang namatay sina Lira at Mira. Ang painful talaga. Wala kaming in-expect,” pahayag ni Gabbi.
“Nakaka-sad, pero we still keep in touch and lagi naman kaming lumalabas with the rest of the cast. Nothing will change,” dagdag pa niya.
EXCLUSIVE: Gabbi Garcia reacts to Lira and Mira... by encantadia2016
Malungkot man ang mga naging episode nitong mga nagdaang araw, marami pa raw na mga nakakagulat na eksenang dapat abangan ang Encantadiks.
“Marami pang mangyayari—maraming magbabalik at maraming mawawala pa. Maraming dapat abangan. Tutok lang kayo. Be patient and stay in touch. Huwag kayong tumigil na maging curious sa mga mangyayari. Stay hungry for that kasi marami pa talagang mangyayari,” ayon kay Gabbi.
Patuloy niya, "I know it's painful... Painful din for us. But it's amazing how people get hooked, how they get affected, and how they apply it in their daily lives. I can say that 'Encantadia' has a really big impact on its audience. It makes me really happy, so thank you for always supporting us."
A V I S A L A M E I S T E E N C A N T A D I A Mamaya sa #EncantadiaPanaghoy
A post shared by Kate Valdez (@valdezkate_) on
Kasama ni Gabbi sa patuloy na pagbida sa “Encantadia” sina Sanya Lopez, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Rocco Nacino, Rochelle Pangilinan, Klea Pineda, Phytos Ramirez, Andre Paras, at marami pang iba.
Mapapanood ang hit Kapuso telefantasya gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng “24 Oras.” -- FRJ, GMA News