ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Valeen Montenegro joins 'Encantadia' as Bathalumang Haliya


Nitong Miyerkules, isa na namang bagong karakter ang ipinakilala sa GMA Primetime series at hit Kapuso fantasy series na "Encantadia" upang maging bahagi ng kaabang-abang na kuwento ng telefantasya—si Bathalumang Haliya.

Gagampanan ng sexy Kapuso actress na si Valeen Montenegro ang itinuturing na pinakamataas ng Bathaluma, na inaasahang tutulong sa mga diwata.

Ayon sa pinakahuling episode ng telefantasya, kilala si Bathalumang Haliya bilang "mailap sa ibang nilalang, kaya siya naninirahan sa buwan upang mapag-isa... Siya ay lubhang mahiyain."

 

?Avisala, Bathalumang Haliya! Avisala, Valeen Montenegro! ? ?#EncantadiaPaghingi ?#Encantadia #Encantadia2016

A post shared by Encantadia 2016 (@gmaencantadia) on



Maliban sa angking kagandahan, ipinamalas rin ni Bathalumang Haliya ang kaniyang galing sa pag-awit nang una siyang masilayan sa "Encantadia."



Kamakailan lamang, naging bahagi ng rin ng star-studded cast ng "Encantadia" ang mga batikang aktor na sina Zoren Legaspi at Ian de Leon.

Gumaganap si Ian bilang Bathalumang Keros, habang binibigyang-buhay naman ni Zoren si Bathalumang Emre.

WATCH: Zoren Legaspi, Ian de Leon join 'Encantadia'
 

Samantala, patuloy na ginigipit ni Memfes, lider ng mga Gunikar, ang mga Adamyan upang mapilitan si Alena na pakasalan siya.


-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News