Sheree at Jinri Park, ang mga bagong mandirigma sa 'Encantadia'
Bukod sa kagandahan at kaseksihan, makikita rin ng encantadiks ang husay sa pakikidigma ng mga bagong kontrabida sa "Encantadia" na sina Sheree at Jinri Park.
Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing gagampanan nina Sheree at Jinri ang karakter nina Odessa at Juvila, na mga Hera.
Si Odessa ay dating ginampanan ni Pauleen Luna, na magaling sa pana at pag-hypnotize.
Ayon naman kay Jinri, si Juvila ay isang matapang na mandirigma na ipaglalaban ang kaniyang pinaniniwalaan.
Dream come true kung ituring ni Sheree, na aminadong fan "Encantadia," na makasama siya Kapuso hit series.
Kadalasan daw na hinihingan niya ng tulong pagdating sa martial arts scenes ang kaibigang niyang si Sanya Lopez.
Excited naman si Jinri na maipakita ang natutunan niya sa ginawang training sa martial arts, at pati na rin sa pagsasanay niya sa pagsasalita ng Tagalog at sa lenggwaheng ginagamit nila sa "Encantadia."
-- FRJ, GMA News