ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alamin kung bakit 'nagdugo' ang ilong ni Nico Bolzico


Isang nakatutuwang larawan ang ipinost ng asawa ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico na nagpapakitang "may dugo" ang kaniyang ilong.

Kahit seryoso at dibdiban sa kaniyang pag-aaral para matuto ng wikang Filipino, hindi pa rin nawawala ang pagiging kuwela ni Nico, na mula sa Argentina.

Sa kaniyang Instagram post, makikita ang larawan niya na nagdudugo kunwari ang ilong habang kasama ang kaniyang guro sa Filipino language.

Nilagyan ni Nico ng caption sa wikang Filipino ang naturang larawan ng: " Ikapitong leksyon kasama ang guro @ramliv2014 nosebleed pa rin!"


Kamakailan lang, nagpost din si Nico ng video habang nag-uusap sila ng kaniyang guro sa wikang Filipino.

 

Salamat Guro @ramliv2014 sa pasensya mo! Salamat @jemiejelly sa pag ????????

A post shared by Nico Bolzico (@nicobolzico) on


 

-- FRJ, GMA News