Ogie at 'Inday' Terry, may sweet at touching birthday messages kay Regine
Sa ika-47 kaarawan ni Regine Velasquez, isang maigsi pero sweet na mensahe ang ipinost sa Instagram ng kaniyang mister na si Ogie Alcasid. Hindi rin nagpahuli sa madamdamin niyang pagbati si Terry "Inday" Gian, na co-host ng Asia's Song Bird sa programa nitong "Sarap Diva."
Sa kaniyang IG account, inilagay ni Ogie ang solong larawan ng kaniyang maybahay at nilagyan niya ito ng caption na, "Happy bday to you my love @reginevalcasid God bless you and may He grant all the desires of your wonderful heart. I love you."
A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) on
Samantala, nag-post naman si Terry sa kaniyang IG account ng luma nilang larawan ni Regine at nilagyan niya ito ng mensahe ng pasasalamat sa TV-host-actress.
Saad sa caption ni Terry, "Happy Birthday Ate!!! Mrming salamat sa ilang taon na ntin magksama. Sa lhat ng opportunity na binigay mo sa akin. Isa ka sa taong pinagpapasalamat ko sa panginoon na nksma nakilala ko."
Patuloy nito, "Through the years dami ko natutunan syo at lalo kitang hinangan dhl nkita ko how humble and professional u are. And most important npakabuti mong tao. Mhal na mahal kita ate alam mo yan. Wishing u all the best in life, good health to u and ur family and more happiness. Happy birthday @reginevalcasid. Love you ate."
Samantala, ibinahagi naman ni Regine sa kaniyang IG followers ang larawan ng masayang birthday dinner na kasama ang kaniyang pamilya.
-- FRJ, GMA News