Filtered By: Showbiz
Showbiz

Diana Zubiri, ibinahagi ang sikreto niya ng 'balik-alindog' matapos manganak


Want to see the E22 local results for ? Click location.

Ilang buwan matapos magsilang, naibalik na kaagad ni Diana Zubiri ang kaniyang sexy figure. Alamin kung papaano niya ito nagawa.

Sa Chika Minute ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing pinag-usapan sa social media ang sexy photo ni Diana na naka-two piece bikini nang mag-staycation ang kaniyang pamilya kamakailan.

Kapansin-pansin ang pagiging fit ni Diana at flat ng kaniyang puson.

Nang tanungin kung paano niya naibalik kaagad ang kanilang pagiging hot momma, tugon ni Diana, "Pumayat ako kasi nagpapa-breastfeed ako ngayon, mga eight months na."

Maliban sa pag-aalaga sa kaniyang baby girl na si Aliyah, sinamahan din daw ito ni Diana ng exercise at clean eating bilang kaniyang daily routine.

Worth it naman daw ang lahat ng sakrispisyo dahil nakikita niyang lumalaking healthy at malayo sa sakit si baby Aliyah.

Proud din si Diana na sabihin na hands on silang mag-asawa sa pagpapalaki sa kanilang anak kahit busy ang aktres sa tapings ng "Encantadia" at guesting sa "Karelasyon." -- FRJ, GMA News

Find the latest news

Choose your candidates and print out your selection.

Find out your candidates' profile

Voter Demographics

Find out individual candidate platforms