ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pangarap ni Sinon Loresca na rumampa sa abroad, natupad sa Indonesia


Itinuturing ng "King of Catwalk" na si Sinon Loresca na dream come true ang ginawa niyang pagrampa sa isang kilalang club sa Jakarta, Indonesia.

"Such a dream come true for me to do the catwalk show in abroad," saad ni Sinon sa caption sa isa mga video na ipinost niya sa kaniyang Instagram account.

Bukod sa kaniyang signature catwalk habang suot ang blue trunks at 7-inch heels, nagsilbi rin na isa sa mga host si Sinon sa 8th anniversary celebration ng Apollo Club.

Sa video posts ni Sinon, makikita na hindi magkamayaw sa pagsigaw at pagpalakpak ang mga tao na pumuno sa nabanggit na club.

Ayon kay Sinon, unang pagkakataon niyang makarating sa lugar at labis ang kaniyang pasasalamat sa mainit na pagtanggap sa kaniya ng mga tao.

"Great show and great people of Jakarta," nakalagay sa caption ng isa mga post ni Sinon.

 

Such a fabulous show ????????

A post shared by ????????The KING OF CATWALK (@sinonloresca) on

 

And to sir @ivan_gunawan thank you for allowing me to wear your beautiful collections. Such a pride and honor to me ????????

A post shared by ????????The KING OF CATWALK (@sinonloresca) on

 

Noong nakaraang buwan, dumalo rin si Sinon sa Rodeo Festival sa kaniyang hometown sa Masbate.

 

welcome to my land '' THE RODEO CAPITAL OF THE PHILIPPINES''

A post shared by ????????The KING OF CATWALK (@sinonloresca) on

 


-- FRJ, GMA News