'Mahal ko o mahal ako:' Alamin kung sino ang pipiliin ni Maine
Sinagot ng TV host-actress at “Destined To Be Yours” star na si Maine Mendoza sa nakaraang #AskSinag feature ng GMANetwork.com ang isa sa mga pinakasikat na love problem—“Sino ang dapat piliin, 'yung mahal ko o 'yung mahal ako?”
Nag-isip muna nang mabuti si Maine bago niya pinili ang— “mahal ko.”
Paliwanag niya, “Pipiliin ko 'yung mahal ko. Mas gusto kong iparamdam sa tao na mahal ko siya. Parang mahirap kasing mabuhay na kasama mo 'yung taong hindi mo naman mahal.”
“Feeling ko, mas gusto ko 'yung ako ang nagmamahal. Kung hindi niya masuklian 'yung pagmamahal ko, okay lang. Ganoon naman talaga,” dagdag pa ng phenomenal star.
Silipin ang iba pang love advice na binigay ni Maine sa netizens na nagpadala ng kani-kanilang kuwentong pag-ibig:
EXCLUSIVE: Love advice from Maine Mendoza (Part 2) by gmanetwork
Bukod sa GMA Primetime series na “Destined To Be Yours,” na pinagbibidahan nila ni Alden Richards, napapanood din si Maine sa “Eat Bulaga.” -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News