ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Vic Sotto shares news of wife Pauleen's pregnancy


Magandang sorpresa ang narinig ng mga manood ng Eat! Bulaga nitong Sabado.

Masayang ibinahagi ni Vic "Bossing" Sotto ang balitang nagdadalang tao ang kaniyang asawang si Pauleen Luna.

"Pilipinas at buong mundo, buntis ako!" unang biro ni Vic, bago linawin na. "Hindi po ako, ang aking asawa ang buntis."

Nagpasalamat sa Panginoon si Vic para sa biyaya nito at humingi ng dasal para sa "tagumpay" ng pagdadalang tao ni Pauleen.

Kinasal si Vic at Pauleen noong ika-30 ng Enero, 2016. — AT, GMA News