ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Has Maria Ozawa found love in the Philippines? 


Nahanap na ba ng Japanese actress na si Maria Ozawa ang kaniyang Mr. Right sa Pilipinas?

Nitong Biyernes, nag-post si Ozawa ng litrato sa Instagram kasama si Jose Sarasola, isang chef at restaurant owner. Naglagay lamang ng heart emoji si Ozawa sa caption at hindi na naglahad ng iba pang detalye.

 

 

??

A post shared by Maria.Ozawa (@maria.ozawa) on

 

Nag-post din si Sarasola ng litrato kasama si Ozawa sa kaniyang account at may kalakip din itong heart emoji.

 

 

??

A post shared by Jose Sarasola (@chefjosesarasola) on

 

Hindi man kinumpirma ng dalawa ang status ng kanilang relasyon, bumuhos pa rin ang masasayang mensahe ng kanilang mga kaibigan.

"Jose! Finally! Happy for you!" bati ng isang kakilala ni Sarasola. Pinasalamatan naman siya ng chef.

Ayon sa isang ulat ng PEP.ph, magkasama noong Araw ng mga Puso sina Sarasola at Ozawa kaya't hindi na nakakagulat kung naging sila na nga.

Nagkasama na rin daw ang dalawa sa mga out-of-town trips at madalas daw nakikita si Ozawa sa restaurant ni Sarasola sa Parañaque.

Noong 2015, sinabi na ni Ozawa na umaasa siyang makakahanap siya ng pag-ibig sa Pilipinas. —ALG, GMA News