ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

'Wowowin' co-host na si Verna, dating nagsilbing kasambahay


Para bigyan ng inspirasyon ang mga kasambahay, ipinaalam ni Kuya Wil sa mga manonood na dati ring kasambahay isa sa kaniyang mga co-host sa "Wowowin" na si Verna.

Kuwento ni Kuya Wil, nang nagsisimula si Verna sa "Wowowin," sir ang laging itinatawag sa kaniya at may pagkakataon na ito pa ang nagliligpit ng kaniyang kinainan.

Ang naturang ginagawa sa kaniya ni Verna ay bunga ng naging trabaho nito noon bilang kasambahay bago napasok sa pagiging stand-up comedian-singer  sa mga comedy bar.

Sa simula, nagtatawanan ang ilang audience sa pag-aakalang nagbibiro si Kuya Wil.

"Totoo po ito, siya po ay isang katulong, isang katulong na hindi basta ordinaryo dahil mayroong talento. Kaya 'wag kayong malungkot katulad niya," payo ni Kuya Wil.

Ginawa ni Kuya Wil ang pagpapakilala sa naging dating trabaho ni Verna dahil kasambahay ang ina ng isa sa mga kalahok sa programa at ngayon pa lang sila nagkakasama matapos ipagkatiwala siya sa isang kaanak. Panoorin.


Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

-- FRJ, GMA News