Filtered By: Showbiz
Showbiz

Steven Seagal to shoot movie, ‘General Commander’ series in PHL


Inihayag ni Hollywood action star Steven Seagal na napili niya ang Pilipinas para i-shoot ang gagawin niyang TV series na "General Commander," at nagpaplano rin siyang tapusin sa bansa ang isa pa niyang pelikula.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing gaganap si Steven bilang ang dating CIA agent na si Jake Alexander ng serye na may 12 episodes.

"He is just somebody who wants to stay in the game and wants to keep getting bad guys to make the world a better place," ayon sa Hollywood actor.

Sasamahan si Steven ng itinuturing niyang malapit na kaibigan na si dating Ilocos Sur governor Chavit Singson sa pag-iikot sa bansa para maghanap ng lokasyon para sa shoot.

Bukod sa serye, nagdesisyon din si Steven na tatapusin ang pelikula niyang "Attrition."

"We are talking about building infrastructure here, an infrastructure for more movies."

Sinagot naman ni Steven kung bakit niya napili ang Pilipinas: "The people are nice and the government is friendly to us."

"The Philippines really for me has, people in general are very very nice and we get treated well here. There's a reason why they call it 'The Pearl of Asia,' it's really because of the people," dagdag ni Seagal.

Isa raw sa mga paboritong lugar ni Seagal sa Pilipinas ang Vigan.

"I think Vigan is one of our favorites. Vigan is very, it's like an old city from two, three hundred years ago." — Jamil Santos/BM, GMA News

Tags: stevenseagal
LOADING CONTENT