ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bianca Umali, kinakabahan daw sa kaniyang pagiging 18


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa nalalapit na pagdiriwang ni Kapuso star Bianca Umali ng kaniyang 18th birthday, sinabi niyang halo-halong emosyon ang kaniyang nararamdaman dahil haharapin na niya ang mga hamon ng pagdadalaga.

Sa ulat ni Lhar Santiago sa GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, sinabing ipagdiriwang ni Bianca ang kaniyang debut sa Marso 2, pero gaganapin ang kaniyang party sa Marso 17.

Gusto nang mag-18 noon ni Bianca pero ngayon, kinakabahan siya.

"Dati gustung-gusto kong mag-18. Pero ngayon, kinakabahan ako. I don't know. Feeling ko for me, hindi gaanong magiging mahirap 'yung transition because I grew up mag-isa and ever since I've been responsible for the things I need na mag-isa. Kinakabahan lang ako because I don't know what to expect."

Excited naman si Bianca sa kaniyang nalalapit na debut, kaya tutok siya sa mga detalye sa food tasting at sa kaniyang pre-debut photoshoot.

"Lahat ng mga details na gusto ko sinasabi ko sa kanila kahit na alam ko na ang dami saka muntikan nang hindi magkasya sa oras kasi busy."

Nagsimula si Bianca noon bilang isang child actress. Saksi ang publiko sa paglago ng kaniyang career, na naging commercial model at ngayo'y bida pa siya sa hit Kapuso Primetime series na "Kambal, Karibal."

Masaya si Bianca sa mataas na rating na nakukuha ng kanilang serye.

"Gusto kong mag-thank you kasi sobrang sarap sa feeling na nababasa naming lahat 'yung magagandang reviews po ninyo and sobrang nakaka-inspire lalo magtrabaho. Sobrang worth it lahat nu'ng pagod namin."

Hindi lang matagumpay sa kaniyang career, masaya rin si Bianca na nakakaranas siya ng paglago sa kaniyang sarili.

Handa na raw si Bianca na subukan ang mga bagong challenges and adventures ng pagiging isang dalaga. — Jamil Santos/LA, GMA News

Tags: biancaumali