Kapuso celebrity couples na going strong pa rin hanggang ngayon
Walang relasyong perpekto, pero ang pagsasama ng magkasintahan ay napapatagal sa pamamagitan ng "unconditional love" at "open communication." Kaya ngayong nalalapit na Valentine's Day, kilalanin ang mga Kapuso celebrity couples na going strong sa kabila ng mga pagsubok.
Sa ulat ni Lhar Santiago sa GMA News "Unang Balita," sinabing model noon si Mikael Daez sa isang event nang mag-host si Megan Young, at doon sila nagkakilala.
A post shared by Mikael Daez (@mikaeldaez) on
Pitong taon na silang nagsasama, ngunit unang beses pa lang nilang makakatrabaho ang isa't isa sa upcoming afternoon series na "The Stepdaughters."
Aminado ang dalawa na hindi rin perpekto ang kanilang relasyon.
"May highs and lows din tayo. As in, may mga sobrang okay tapos may sobrang parang, 'Ano'ng nangyayari?' So I think it's really a choice to really work for the relationship," saad ni Megan.
May sikreto ang dalawa #relationshipgoals.
"Being honest eh," sabi ni Mikael. Sumang-ayon si Megan dito. "Yeah. Open communication."
"Madali lang sabihing being honest eh pero mahirap 'yung gagawin mo talaga. Magiging bukas ka talaga," pagpapatuloy ni Mikael.
Sampung taon nang nagsasama sina Rodjun Cruz at Dianne Medina bago sila ma-engage last year.
Love at first sight daw si Rodjun kay Dianne noong una niya itong mapanood sa telebisyon. Mula noo'y hindi na niya pinakawalan ang TV host-actress.
Ngunit dumating sa puntong nag-cool off din silang dalawa.
Naging magkaibigan muna sina Mark Herras at Reina Hispanoamericana 2017 Teresita "Wynwyn" Marquez.
Nabasted si Mark kay Wynwyn ng tatlong beses, pero ngayon, tatlong taon na sila sa kanilang romantic relationship.
A post shared by Teresita Ssen Winwyn Marquez (@teresitassen) on
"Basically, usap. Kailangan niyo talaga na nag-uusap kasi, siya na rin 'yung nagsabi sakin na 'ga, kailangan nag-uusap.' Kasi ako minsan kasi, more on kung pwede iwasan or ayoko na kasi, kumbaga para sa 'kin, alam na natin 'yan. Pero siya 'yung laging naglalagay sa utak ko na 'di, ga, kailangan nating pag-usapan to,'" sabi ni Mark.
Wala raw naramdamang kilig noon sina Paolo Contis at LJ Reyes nang una silang magkatrabaho sa isang soap.
Nang muli silang magkita, unti-unti nang nahulog ang feelings ni Paolo para kay LJ. Umabot din ng tatlong buwan ang panliligaw ni Paolo sa dalaga.
Three years na sila ngayon, at "very close" pa ang relationship ni Paolo sa anak ni LJ na si Aki.
—LBG, GMA News