ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Baby Zia meets lolo in Spain
By JAMIL SANTOS, GMA News
Nagkaroon ng pagkakataon si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na dalawin ang kaniyang ama sa Spain habang namamasyal kasama ang asawang si Dingdong at Baby Zia sa Europe ngayong Holy Week.
Sa kaniyang Instagram account, makikita ang naggagandahang ngiti nina Marian, Baby Zia at kaniyang lolo na si Francisco Javier Gracia Alonso.
With Papa and Letizia ?? #aroundZworld
A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on
"With Papa and Letizia ?? #aroundZworld," caption ni Marian.
Kasama ang France at The Netherlands sa mga binisita ng pamilya Dantes sa Europe.
Ipinakita naman ni Marian ang pagiging proud Filipino sa kaniyang mga T-shirts na Philippine-themed.
—ALG, GMA News
More Videos
Most Popular