ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Sandara Park at Nam Joo Hyuk, nasa bansa para sa meet and greet sa MOA


Dumating sa bansa ang mga K-Pop idols na sina Nam Joo Hyuk at Sandara Park para sa isang meet-and-greet event ng isang clothing brand na gaganapin ngayong Linggo sa Mall of Asia Arena.

 

 

Makikita ang dalawang Korean stars na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ayon sa Instagram ng PEP.ph.

 

 

Nakunan din ang pag-aabang ng mga miyembro ng fans club nina Dara at Nam Joo-hyuk.

 

 

Bago nito, kinumpirma ng clothing brand na Penshoppe nitong Mayo na bibisita ang dalawa sa Pilipinas bilang kanilang mga ambassadors.

 

 

 

 

Bago tuluyang sumikat sa Korea bilang isang K-Pop idol, sumali muna si Sandara sa isang reality TV show dito sa Pilipinas. Matapos nito, nakilala siya bilang miyembro ng K-pop group na 2NE1.

Kilala naman si Nam Joo-hyuk sa "Bride of the Water God." — Jamil Santos/MDM, GMA News