ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Semi-retirement sumasagi sa isip ni Megastar Sharon Cuneta


Naglalaro na raw sa isip ni "Megastar" Sharon Cuneta na mag-semi-retire matapos ang kaniyang 41 taon sa showbiz.

Sa kaniyang Instagram post, sinabi ni Ate Shawie na pagod na aniya siya sa pagtatrabaho.

Ngunit nagbigay naman ng pangako si Sharon sa fans na hindi siya biglaang mawawala, kundi gagawa pa rin siya ng mga pelikula at concert kung feeling niya ay worth it, ayon sa "Unang Balita" nitong Miyerkoles.

Nilinaw naman ni Sharon na walang kinalaman ang desisyon niyang lumiban sa showbiz sa pagpunta ni Frankie sa Amerika para mag-aral, kundi matagal na niya itong pinag-uusapan sa pagitan niya at ng kaniyang manager at pamilya. —Jamil Santos/NB, GMA News