Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Gabby Concepcion, namumulot ng plastic para pangalagaan ang beach sa Batangas


Sa "Mars Pa More," eksklusibong ipinasilip ni Gabby Concepcion ang kaniyang buhay sa likod ng camera, tulad ng pamumulot ng mga plastic sa beach at pagpapanatili ng kagandahan ng kaniyang mga wooden furniture sa Lobo, Batangas.

Nagpakita si Gabby ng isang video kung saan pinupulot niya ang mga basura sa beach sa Lobo.

"Ito 'yung beach clean-up doon sa harap ko kasi ang daming plastic. Hindi na bale itong mga niyog at kahoy, nagagamit namin 'yan sa pagluluto. Pero itong plastic ay talagang kailangan madala sa center," sabi ni Gabby.

"In fact may mga lugar pa rin na ganiyan ang hitsura. It takes time kasi ilalagay mo siya sa sako para mailabas mo," dagdag ng aktor.

"'Pag nandidiyan ako at nakakita ako ng maski kahit na anong tsinelas, takip ng bote o bote kung minsan, lumulutang, dampot agad kasi kakalat lang," ayon pa kay Gabby.

Bukod dito, nangungulekta rin si Gabby ng mga magagandang kahoy at hinihilera sa kaniyang hagdan dahil maaari pa itong magamit pang-display. Samantalang ang mga hindi naman magagamit, ginagamit na lamang na panggatong o pangluto.

Ipinakita rin ni Gabby ang kaniyang pag-sanding sa lamesa nilang kahoy para mapanatili ang ganda nito.

"'Yung bahay ko walang bintana. So kapag malakas ang hangin, pinapasok siya talaga so tinatamaan 'yung kahoy, nagfe-fade 'yung kahoy. So once in a while sina-sanding ko siya tapos nilalagyan ko siya ng linseed oil. Kasi ang oil nakatutulong sa kahoy."

Napahanga naman ang hosts na sina Camille Prats at Iya Villania sa pagiging handyman ni Gabby.

Panoorin sa video ang mga never-before-seen na pamumuhay ni Gabby sa Batangas.—Jamil Santos/LDF, GMA News