Bukod sa confident, sexy at classy din si Bea Alonzo bilang 2022 Tanduay calendar girl.

Ipinakilala si Bea bilang pinakabagong mukha ng Tanduay sa isang short film na “The Perfect Match” sa Facebook page ng liquor brand.

Ilan sa mga suot ni Bea sa naturang short film ang isang peach backless dress, pink see-through corset, at purple metallic bikini top habang ipinakikita ng aktres ang kaniyang pagiging fierce at sopistikada.

"She's confident, she's trusted, and she's classy and sexy at the same time," sabi ng digital brand manager na si Edzel Ty kung bakit nila napili si Bea bilang kanilang bagong calendar girl.

Inilahad ni Bea na noong unang beses siyang aluking maging calendar girl ng Tanduay, tinanggihan niya ito dahil hindi pa siya handa.

Pero empowered na ngayon si Bea sa kaniyang sarili.

"When I was asked the second time, everything was just falling into place and I felt empowered, I felt like I was ready for change, and I was ready," sabi ni Bea sa video.

"I couldn't really think of reasons why I shouldn't do it, so I said yes," dagdag ng Kapuso actress.

Sa isa namang one-minute video, nagpasiklab si Bea sa kaniyang white, brown, at purple na mga bikini outfits.

 

Mayroon na ito sa kasalukuyan na higit 130,000 views.

Ibinahagi rin ni Bea sa Instagram ang behind the scenes ng kaniyang calendar shoot.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

 

"The secret is out! I am the TANDUAY CALENDAR GIRL 2022! ?? Woohooo!!  Thanks to my Tanduay family for the warm welcome ????," caption ni Bea ng pasasalamat sa liquor brand sa pagpili sa kaniya bilang calendar girl para sa 2022.

Bukod kay Bea, naging calendar girl na rin ng Tanduay sina Ivana Alawi, Ellen Adarna, Jessy Mendiola, Bela Padilla, Heart Evangelista, Erich Gonzales, at Barbie Imperial.—Jamil Santos/AOL, GMA News