‘Trophy wife’ parody ni Rain Matienzo sa Tiktok, kinagiliwan ng netizens
Benta sa netizens ang Tiktok entries ni Rain Matienzo na parody ng "trophy wife," na binigyan niya ng bagong kahulugan.
Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend nitong Linggo, sinabing trending online na ang Tiktok videos ni Rain bilang si "conyo girl" bago pa siya maging official Kapuso Sparkle actress.
Sa ngayon, umaani ng daan-daang libong views ang kaniyang trophy wife parodies.
"My gosh as in super accidental lang po talaga 'yon. Kasi 'yung mga tita ko lagi na lang sinasabi na trophy daw sila, ganiyan. Growing up, negative 'yung connotation eh," sabi ni Rain
"Pero nakita ko 'yung mga tita ko, parang oo nga naman, trophy sila, like well achieved, they did well for themselves. Ka-trophy-trophy nga naman," kwento ni Rain.
Ilan sa "trophy wife" videos ni Rain ang mahigit isang milyon na ang views.
@rainmatienzo def wanna be the mom who gives gifts during christmas parties and teacher's day, chocolates on valentine's day, and every celebration you can think of
? original sound - Rain
Paliwanag naman ni Rain na observation humor lang ito.
"One day nagdamit lang ako pang-workout. Tapos sabi ko 'Parang mukha akong trophy wife.' May time din in my life, tumulong ako sa school ko before tapos 'yung mga mommies... I think it's more of like the confidence that comes from within. So what makes you confident?"
"For me kasi what makes me confident is being hardworking at my job and building my own empire. Char! Make yourself look good for yourself din," dagdag pa niya.
Kinilig pa si Raine matapos mapansin ng idolo niyang si Heart Evangelista ang kaniyang nakakatawang videos sa Tiktok.
"Nag-comment si Heart. Sabi ko nga 'Ito namang si Heart pwede namang i-text na lang ako, nag-comment pa. My amiga!' Heart, grabe 'yon kinilig lang ako kasi siyempre natawa siya, she said 'Wahaha this is hilarious.' So siyempre gumawa ulit ako ng another video. I really appreciate it," sabi ni Rain.
Mapapanood si Rain bilang si Tanya sa Kapuso drama legal crime series na Artikulo 247.—Jamil Santos/LDF, GMA News