Literal na “When your legs don't work like they used to before” ang moment ni Ed Sheeran matapos siyang biglang matisod habang papasok ng stage sa kaniyang concert sa Japan.

Sa kaniyang Instagram post, na ibinalita rin sa GTV "Balitanghali" nitong Martes, ibinahagi ni Ed ang video na papasok pa lamang siya ng stage nang mangyari ang insidente sa kaniyang Mathematics tour concert sa Osaka.

Ngunit “the show must go on” para sa English singer-songwriter at agad na tumayo, tumugtog at ngumiti sa camera.


“Styled it out,” birong caption ni Ed sa kaniyang moment.

May nagkomento naman sa post ni Ed na, "Break a leg."

Habang ang isa pa niyang follower, nag-comment na, "Kissing the stage is part of the ritual."

 

 

Sa kabuuan, nagpahayag ang mga followers ng paghanga kay Ed sa kaniyang professionalism.

Nakatakda ring mag-concert si Ed sa Pilipinas sa SMDC Festival Grounds sa Paranaque City sa March 9, 2024.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News