ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Yasmien denies getting jealous over JC-Michelle kissing scene


Pinawalang-totoo ni Yasmien Kurdi ang balitang sinita raw niya ang ka-love team niyang si JC de Vera dahil nabalitaan nito na may kissing scenes daw si JC sa ex-girlfriend nitong si Michelle Madrigal sa pelikulang My Monster Mom. Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Yasmien, buong-ningning na nag-deny ito na sinita raw niya si JC. Sabi niya ay kinumusta lang niya ang shooting nito at pati na si Michelle. Pero hindi raw niya ito tinanong regarding sa mga naging eksena nila. "Bakit ko naman gagawin iyon e trabaho naman nila ‘yon?" diin pa ni Yas. "'Tsaka hindi ako nakikialam sa anumang trabaho pa ni JC. Concern ko lang ay ang work namin na magkasama kami. Nangungumusta lang naman ako. Wala naman sigurong masama roon." May mga nagsabi kasi na parang nagselos daw siya noong malaman niyang may mga eksena si JC with Michelle sa naturang pelikula. "Bakit naman ako magseselos? Kami ba ni JC? Hindi naman, ‘di ba?" ngiti pa ni Yas. "Professional lang kaming dalawa ni JC. Walang selosan sa trabaho namin. Magkakilala naman kami ni Michelle. Kaya walang problema sa aming dalawa." Puring-puri nga ni Yasmien si JC dahil sa mga naging eksena nito sa soap drama nilang Babangon Ako't Dudurugin Kita. Bumilib daw siya kay JC nang gawin nito ang mabigat na eksena kunsaan kasama nito si Ms. Dina Bonnevie. Nakipagsabayan daw kasi si JC sa husay ni Ms. D sa eksena nila. "Nagulat din ako kasi ang laki na ng naging improvement ni JC. Before kasi parang okey lang. Pero itong scene with Ms. D, talagang nadala niya. Kaya na niyang magdala ng eksena. Kaya proud na proud ako sa kanya," ngiti pa ni Yasmien. Malapit na ngang magwakas ang soap drama nila ni JC at kay Rhian Ramos na raw ito ipa-partner sa bagong show titled La Lola. Okey lang ba kay Yasmien ito? Ma-miss kaya niya si JC dahil sa ibang babae na ito itatambal? "Okey lang naman. Hindi naman kasi puwedeng kami na lang parati. It's time na rin na matambal siya sa iba. Anyway, na-prove naman na namin na may market kaming dalawa ni JC. Nakatatlong soap dramas na kami, siguro time na sa iba na kami itambal muna. "Tulad ngayon nga, may show siya with Rhian. Ako naman may Tasya Pantasya pa rin with Rainier Castillo. Pero may movie naman kami ni JC na magkasama. Yung Loving You. Malapit na rin ipalabas ‘yon. Kaya hindi kami mami-miss ng mga fans namin," pagtatapos pa ni Yasmien Kurdi. - Philippine Entertainment Portal