ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Tirso Cruz III composes a song for friend Daboy


Last April 2008, muling umalis ang mag-asawang Rudy Fernandez at Lorna Tolentino papuntang US para sa panibagong medical test doon kaugnay ng sakit na cancer ng aktor. But sadly, ang dapat sana'y isang buwang pamamalagi sa Amerika ay naging apat na araw na lamang. Bumalik din sila agad sa Pilipinas sa kagustuhan na rin ni Rudy pagkatapos madiskubre ng mga doctor na may obstruction sa biliary duct ng aktor. Alam ng mga kaibigan ni Rudy na sina Jinggoy Estrada, Bong Revilla, Phillip Salvador, at Tirso Cruz III na lumulubha na ang kanilang kaibigan. Nasabi nga noon nina Jinggoy at Bong sa interview sa kanila na kumalat na sa bile duct ng liver ni Rudy ang cancer cells, and "he's in pain." Si Pip, kilalang palayaw ni Tirso, that evening na nakabalik sina Rudy at Lorna ay hindi siya makatulog. Napansin iyon ng kanyang asawa na si Lyn Ynchausti, na isa rin sa pinakamatalik na kaibigan ni Lorna. Kuwento ni Lyn sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "Tinanong ko siya kung bakit ayaw pa niyang matulog. Medyo late na rin ‘yon nang nakauwi kami mula sa hospital na doon na itinuloy si Rudy. Hindi raw siya makatulog at nakita ko, may isinusulat siya." Sabi raw ni Pip sa kanya, "Gusto kong gumawa ng song na parang si Rudy ang gumawa para kay Lorna at sa mga anak at mga kaibigan niya." Patuloy ni Lyn, "Hindi ko na siya kinulit, hinayaan ko na lang siyang ituloy ang ginagawa niya. The next morning, may nagawa na siyang lyrics, at nagulat siya na naisabay na rin niya ang melody ng song. "Pero hindi na ‘yon narinig ni Rudy na kantahin ni Pip sa kanya. Minsan nga raw na kinanta ‘yon ni Pip kina Ralph at Renz [Rudy's sons], sabi raw ng mga bata, bakit hindi niya kantahin sa papa nila. Sagot ni Pip, kasi raw laging tulog ang papa nila kaya hindi niya makanta. "Kahit si Lorna, hindi niya narinig ang song na ginawa ni Pip, dahil gusto raw niyang kapag tapos na tapos ang song, saka niya marinig. May ilang words lang na pinalitan si Pip sa lyrics at narinig na lang ‘yon ni Lorna noong nakaburol na si Rudy at pinatutugtog ang song sa chapel." Noong June 9, sa live special episode ng Boy & Kris na tribute ng show kay Rudy, first time na ipinarinig nang live ni Pip ang kantang ginawa niya para kay Rudy. Although may English and Tagalog versions ‘yon, mas pinili ng show na ang Tagalog version, entitled "Awit ni Daboy," ang ipinaawit sa kanya. Teary-eyed ang mga kasabay na guests ni Pip sa show na sina sina Vina Morales at Ara Mina habang kumakanta si Pip, na hindi rin mapigil na mapaluha. Hiniling ng PEP kay Lyn kung puwedeng makakuha kami ng lyrics ng kantang nilikha ni Pip kay Rudy. In-email naman ito sa amin ni Djanin, ang bunsong anak na babae nina Pip at Lyn. Narito ang lyrics ng "Awit ni Daboy": Huwag malungkot Huwag luha ang ipabaon Huwag malungkot Sa paglisan ko, 'wag kang lilimot Ang pag-ibig ko sa 'yo ay di magmamaliw Kailan pa man, mahal kita, o aking giliw. Sa piling mo, puso ko'y naging ganap, o hirang Katapatan ang handog nitong mga kaibigan Puno ng kulay at saya, ang aking buhay Mga anak, pagmamahal ang siyang inialay. Refrain: Kung nasaktan ko man ang damdamin mo hirang, Patawarin, aking mga kasalanan At sa lahat ng aking kaibigan Alaala ko ay 'wag kalimutan. Huwag malungkot, sa aking pamamaalam Aking dasal, Panginoon Kamay ko ay hawakan At kung bukas man tayo ay di na magkita Aking hirang, isang ngiti tuwing maaalaala. Heto naman ang English version ng song entitled "Rudy's Theme" Don't cry for me Please don't shed your tears in sorrow Don't cry for me For I know we'll meet again tomorrow Just hold on to the memories We've shared together In your heart Know I will love you forever. A life so full I've been blessed with friends So kind and gentle With love so pure How my children held my hand, so tender As I walk towards the light And close my eyes Remember this is not goodbye, It's only goodnight. Refrain: If there were times when I made you sad and lonely Please hear my heart Crying, Oh Babe I'm sorry And to all my friends throughout life's journey I thank you all for the friendship That you gave me. Don't cry for me For my final fight is over I've ran the race now it's time to come home To the Father And when I'm gone from this old world Keep my memory in your heart Once in a while, please think of me Then wear a smile. From Lyn, nalaman din ng PEP na nabago na ang time ng cut-off sa pagsasara ng gate ng The Heritage Park sa Wednesday, June 11. Sa halip ng una nilang announcement na 5 p.m., ginawa na nila itong 1 p.m. Ang dahilan nito ay kapag nag-cut-off daw sila ng 5 p.m., kailangang tapusin nilang lahat kung ilan yung mga taong inabutan ng cut-off, at malamang abutin pa ‘yon ng another two to three hours bago sila matapos. Inagahan nila ito para kung i-cut-off nila ng 1 p.m., puwede itong abutin hanggang 3 to 4 p.m. Magkakaroon pa ng time para makapag-prepare sa Holy Mass at 5 p.m. na susundan ng necrological service sa huling gabi ni Rudy sa piling ng mga mahal niya sa buhay at mga kaibigan. - Philippine Entertainment Portal