ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Robin Padilla, rival 'fight' while hanging from helicopters
MANILA, Philippines - Nais daw ni Robin Padilla na suklian ang pagmamahal na mga sumusubaybay ng nangungunang telefantasya ng GMA Network na âJoaquin Burdado" sa pamamagitan ng paggawa ng mga pambahira at delikadong stunts. Kaya naman sa isang eksena kung saan magsasagupa sila ni Ian Veneracion, hindi sila nagdalawang isip at pumayag na maglambitin sa dalawang lumilipad na helicopter. âYun aming mga tagasunod mahal kami. Kaya dapat suklian namin ng pagmamahal din kahit na yun delikado kayang gawin," pahayag ni Robin sa Chika Minute ng GMA News 24 Oras nitong Huwebes. Ilang ulit na rin nalagay sa panganib ang buhay ni Robin sa shooting ng âJoaquin" tulad na lang ng aksidente sa isang eksena habang sakay siya ng motorsiklo at ang pagkakaputol ng kanyang harness habang bumababa sa gilid ng isang gusali. Sa nasabing eksena, ipapakitang maglalaban kina Robin at Ian habang bitbit ng mga dragon kaya kinailangan ibitin sila sa ere gamit ang dalawang helicopter upang maging makatotohanan ang kanilang sagupaan. Ang makapigil-hiningang stunt at ilang minutong ginawa kung saan nakalambitin sina Robin at Ian habang ang helicopter ay nagpapaikot-ikot na lumilipad sa isang dam. - GMANews.TV
Tags: joaquinbordado, robinpadilla
More Videos
Most Popular